recent
last jobs

Post binura ulit...Dennis ‘di rin kayang patawarin si Julia! Marjorie, may assurance sa anak!

Home

 





Mas marami ngayong kampi kay Julia Barretto kesa sa ama nitong si Dennis Padilla.


Ito ay matapos ulit mag-post si Dennis ng “Pareho kami…’Di pa rin ako ready na patawarin si Julia….,” pero binura ulit niya.


Ano raw ‘yun, hindi kayang panindigan ang mga sinasabi?


Pa-victim pa ang tawag ng iba sa kanya.


Nauna nang binura ng komed­yante ang mga panonopla niya sa lumabas na interview ni Julia kay Karen Davila kung saan nga isa sa sinabi ng actress ay ‘di pa niya kayang patawarin ang tatay.


Wala pang lumalabas na interview si Karen kay Dennis as of this writing kahapon.


Si Marjorie Barretto naman ay mabilis ang pag-rescue sa anak  matapos ang ginawang pangongontra ni Dennis.


Aniya sa isang post : “Dearest Jul, I LOVE you with the kind of love that you can trust. Love that you can depend on, and the kind that will protect you and never betray you. Maybe you need to hear this today… I am so proud of you, Juli. I am so blessed to be able to call you my child. Here we go again, back in our family bubble shutting off the noise outside. Only choosing to be grateful for the good things that is in front of us. Remember Jul, God is all knowing.”


Pero sa totoo lang, hindi nakatulong ang nasabing giyera nila sa pelikula ni Julia na Expensive Candy.


Hindi raw ito gaanong gumalaw sa takilya na nag-umpisang ipalabas noong Miyerkules.





reaction:
author-img
CEO

Comments

google-playkhamsatmostaqltradent