recent
last jobs

Mga nurse na abot daw sa P400k ang sahod, kailangan sa US--report

Home

 





Kailangan umano sa Amerika ng mga registered nurse na aabot ang sahod sa katumbas na P400,000 at may signing bonus pa ng $1,000.

Sa ulat ni Joseph Morong sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing isang kompanya sa Amerika ang nangangailangan ng nasa 1,000 registered nurse at 200 medical technologist.

Maliban sa sahod na aabot P400,000, immigrant visa umano ang ibibigay at sagot ng kompanya ang lahat.

Sabi ni Janessa Medina-Bacolod ng Ruru Global Recruitment Services, mayroon pa raw signing bonus na $1,000 ang mga matatanggap.

Ang tumatandang populasyon daw ng Amerika ang dahilan ng mga employer kung bakit kailangan ng maraming nurse.

Bukod sa Amerika, nangangailangan din ng mga nurse sa Middle East gaya ng Saudi Arabia.

Si Divine Lapena, nag-apply bilang assistant nurse sa Saudi na ang sahod ay nasa P50,000 hanggang P60,000 isang buwan.


Bukod sa healthcare workers, may mga trabaho rin sa ibang bansa sa Middle East na kailangan sa tourism at hotel industry.


Sa Jordan, may mga bakante para sa butler, house keeping staff, front office staff, executive manager at mga chef.


Nasa $400 o katumbas na P20,000  ang minimum na sahod kada buwan. Hindi pa kasama ang overtime pay, at mas mataas daw kung may karanasan na trabaho.


Ayon kay Medina-Bacolod, mga Pinoy daw ang gusto ng mga employer dahil hindi na kailangan na bantayan kapag isinabak sa trabaho. --FRJ, GMA News


OPS: Halos 10,000 trabaho para sa mga Pinoy, naghihintay sa Singapore


go to next page


<><>




OPS: Halos 10,000 trabaho para sa mga Pinoy, naghihintay sa Singapore


Inihayag ng Office of the Press Secretary nitong Huwebes na halos 10,000 job orders ang naghihintay para sa mga Pinoy sa Singapore.

Ayon sa OPS, nakipagpulong si Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople kay Singapore Manpower Minister Tan See Leng, at tiniyak sa Pilipinas ang halos 10,000 bagong job orders para sa mga Filipino.

Kasama si Ople sa Philippine delegation sa isinagawang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa Singapore.

"Even prior to the President's visit, our Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Singapore had already approved close to 10,000 job orders, with 5,000 jobs awaiting aircraft technicians in the aviation industry," ayon sa pahayag ni Ople na inilabas ng OPS.

Sinabi ni Ople na, “the goodwill arising from the President's state visit and the lifting of the 27-year-old guarantee bond will lead to more and better job prospects for Filipinos ... to work in Singapore.”


Kabilang umano sa mga inaprubahang job orders na isinumte ng Singaporean employers ay ang mga sumusunod:

  • Aviation industry - 5,000 aircraft technicians;
  • Medical industry - 3,000 healthcare workers;
  • Engineering industry - 1,000 skilled workers;
  • Education industry - 500 workers; at
  • IT sector - 300 workers.


Inaasahan ni Ople na madaragdagan pa ang mga Pinoy na magtatrabaho sa Singapore kasunod ng ginawang pagbisita roon ni Marcos at mga repormang ipinatutupad umano ng DMW. —FRJ, GMA News




reaction:
author-img
CEO

Comments

google-playkhamsatmostaqltradent