recent
last jobs

Iligal na droga, granada, nakumpiska sa isang checkpoint sa Pangasinan

Home

 


Iligal na droga, granada, nakumpiska sa isang checkpoint sa Pangasinan





San Carlos, Pangasinan — Nahulihan ng umano’y iligal na droga at hand grenade ang dalawang indibidwal sakay ng isang motorized tricycle sa Brgy. Guelew nitong Sabado.


Ayon sa ulat ni Lt. Col. Luis Ventura, chief of police, naaresto sa oplan sita ang mga suspek na sina Orly Poquiz, driver, residente ng Brgy. Caingal at Jerry Cabugao, residente naman ng Brgy. PNR Site.


Nang dumaan sa checkpoint si Poquiz dakong 5:30 ng hapon, hiningan ito ng lisensya ngunit biglang nahulog mula sa kanyang belt bag ang isang heat sealed transparent plastic na naglalaman ng hinihinalang shabu. Nakuha rin sa kanya ang isang hand grenade.


Narekober din ang dalawa pang heat sealed transparent plastic ng hinihinalang shabu sa kasamahan nito.


Ang mga nakumpiskang umano’y shabu ay may tinbang na humigit-kumulang 0.32 gramo. 


Agad ding dinala sa police station ang mga suspek at posibleng humarap sa kasong paglabag sa  RA 9165 (Oplan Sita) at RA 9516. 



reaction:
author-img
CEO

Comments

google-playkhamsatmostaqltradent