recent
last jobs

ang gagawin ko ngayon ? TRUE CONFESSIONS

Home

 






Ang lihim ng  boyfriend


Dear Dr. Love,


Napakabait ng aking boyfriend at maalalahanin pa. Wala na akong maipipintas sa kanya kaya ko siya sinagot. Maglilimang buwan na ang aming relasyon.

Tawagin mo na lang akong Lily, 20 anyos. Guwapo at pusturyoso ang boyfriend ko at dahil sa kanyang tikas at kisig, marami ang naiinggit sa akin.



Pero isang araw, pinuntahan ako sa bahay ng uncle ko na isang NBI secret agent.

May ibinunyag siya na labis kong ikinagulat. Kasama raw ang boyfriend ko sa mga taong under surveillance dahil pinaghihinalaang drug trader. Sabi ni uncle na ninong ko rin sa binyag, makabubuti kung makikipag-break ako sa boyfriend ko.


Ipinakita sniya a akin ang picture ng boyfriend ko nang minsan na siyang maaresto sa kasong droga pero may namagitan daw na taong maimpluwensya kaya lumaya.

Naguguluhan ang isip ko. Tuwing kasama ko siya, ayaw ko siyang usisain at baka totoo ang sinabi ng aking uncle. Natatakot ako dahil mahal ko siya. Isang buwan na ngayon simula nang malaman ko ito pero hindi ako makapagsalita.

Kapag tinatanong ako ng boyfriend ko kung may problema ako, sinasabi ko na lang na masakit ang ulo ko. Ano ang dapat kong gawin?

Lily

Dear Lily,


Makabubuti kung susundin mo ang uncle mo na makipag-break ka sa iyong boyfriend. Hindi mo kailangang sabihin ang dahilan kung bakit. Isang awtoridad ang iyong uncle at hindi ka naman niya marahil lolokohin o pagsisinu-ngalingan.

At tama lang na wala kang sasabihin sa iyong nalaman dahil baka manganib pa ang iyong buhay.

Kung kabaitan ang ipinakikita ng boyfriend mo sa iyo, natural lamang iyan dahil may pinagtatakpan siya sa kanyang pagkatao.

Kung nakakadama ka ng pag-ibig, iwaksi mo muna iyan at unahin mo ang iyong seguridad.

Baka dumating ang punto na pati ikaw ay madamay.

Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 


<><>



Hindi responsive sa kama



Dear Dr. Love,


Tawagin na lamang ninyo akong Lyzza. Hindi ako nagiging sweet sa mister ko dahil sa sobrang pag-aasikaso ko sa online business ko.

Sa umaga, kulang ang oras sa pagbabalot ng mga items na ipapa-deliver ko at sa gabi naman ako nagli-live selling.



Alam ko na nauunawaan ako ni mister kahit noon pa man ay hindi ako masyadong responsive kapag kami ay nasa aming intimate moment sa kama.

Hindi pa kami nagkakaanak hanggang ngayon, four years na kaming nagsasama.


Siya rin minsan, sobrang pagod na galing sa trabaho. Isa siyang project developer na kasama madalas ng kanilang engineer.

Kaya  minsan hindi rin siya nakakauwi sa amin. May pagkakataon pa na nasisigawan ko pa siya kapag hinaharot niya ako.

Ang worry ko lang, baka maghanap ng ibang kalambingan ang mister ko. ‘Yun bang mas daring at mas maganda sa akin.

Ginagawa ko naman ang lahat para hindi mabaling ang atensyon niya sa iba. Hindi nga lang ganoon kalambing, ‘yun po ang natural sa akin eh.

Ayoko namang magtanong sa iba kung ano ang sikreto nila. Parang asiwa naman po ang dating nun. At wala rin akong panahon kahit manood sa youtube.

Ano po ang mainam kong gawin?

Lyzza

Dear Lyzza,


Bahagi ng pag-aasawa ang sex life. Kahit sabihin mong busy ka o hindi ka showy. Bilang misis, alamin mo ang mga bagay na pwedeng ikaligaya ng mister mo lalo na sa kama.

Kaya nga kayo pinagsama at bubuo ng isang pamilya.

Mag-usap kayo at minsan surpresahin mo siya. ‘Yung hindi pa siya ready, eh lambingin mo na.  O kaya ayusin mo ang table ninyo na parang nagde-date kayo, kung talagang hindi kayo pwedeng lumabas.

Pero mas mainam na minsan punta kayo sa romantic place, ayain mo at simulan mo siyang akitin. Magpaganda ka at mapa-sexy para hindi ka nag-aalala.

I-workout n’yo na ang pagkakaroon ng anak, bago pa mahuli ang lahat.

Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 



<><>




May ibang ka-sex si Daddy


Dear Dr. Love,


Tawagin na lamang ninyo akong Nizalyn. Hindi alam ng mommy ko na nakita ko si daddy na may kasamang ibang babae sa kwarto nila. Nasa ibang bansa si mommy.


Maaga kaming pinauwi galing sa school. Nakita ko ang kotse ni daddy na nasa garahe. Sarado ang pinto kaya pumasok na lang ako sa likuran ng bahay namin at nasilip ko silang nagse-sex sa loob ng kwarto.




I pretend na hindi ko sila nakita. Medyo nanginginig ako, baka nakita rin nila ako. Kaya umalis ako uli ng bahay at nag-stay muna sa ministop para magpalipas ng oras.


Bumalik ako sa bahay namin na wala na ang babae.



Napansin ni daddy na malungkot ako pero ang sinabi ko na lang na masama ang pakiramdam ko at kailangan ko lang matulog.


Gusto ko sanang sabihin kay mommy ang nakita ko, pero ayaw kong mag-alala siya.


Nahalata na siguro ni daddy na ayaw kong makipag-usap sa kanya ng matagal. Mahal ko si daddy at ayokong magkahiwalay at masira ang pamilya namin.


It’s almost a year bago pa nagtapat si daddy na may ibang babae siya.


I cried at sinabi na rin niyang alam ni mommy ang lahat.


Even si mommy ay mayroon na rin palang ibang kinakasama sa ibang bansa.


Nakakawindang ang sitwasyon namin.  I’m still very young to understand them.


So please po sana matulungan ninyo ako.


Nizalyn


Dear Nizalyn,


Maraming salamat iha sa iyong ibinahagi. May mga kabataan na tulad mong magulo ang kanilang sitwasyon.


Mabuti at may lakas ka ng loob na i-share ang nararamdaman mo.


Kung talagang hindi mo kakayanin, patulong ka sa gui-dance counselor ng inyong school para malaman mo kung ano ang nararapat mong gawin.


Sa ngayon, mas palawakin mo ang iyong pang-unawa sa iyong mga magulang. Ipakita mo pa rin sa kanila na mahal na mahal mo sila.


Walang maitutulong kung magmumukmok at magse-self pity ka.


Enjoy life at ipagdasal mong maging maayos ang lahat.


Focus ka sa pag-aaral mo at huwag kang padadala sa negative emotion mo, hindi ka pababayaan ni Lord.


Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 



<><>



Nagka-gf dahil joker



Dear Dr. Love,

Tawagin na lamang, Joker. May mga babae akong napapasagot dahil sa pagiging joker ko. Nakatatlong gf ako, na nag-enjoy naman sa relationship namin. ‘Yung lang, may mga dahilan kung kaya nagkakahiwalay kami.


‘Yung una, umuwi na ng probinsiya. Ang isa naman, nag-abroad na. Ang huli, kong gf pinagbawalan ng tatay na makipagkita sa akin.

Hindi ko naman masasabi na failure ako sa relationship. Dahil wala naman silang naging problema sa akin. Sa katunayan nga, mga kaibigan ko sila hanggang ngayon.


Nakakalungkot lang na sa kabila ng pagiging masayahin ko ay wala akong gf ngayon.


May napupusuan ako kaso, nagdadalawang-isip ako kung seseryosohin ko ang dating sa kanya o gaya na ng dati, na maging joker ko.


Napaka-simpleng babae niya. Hindi ko alam kung papatok na patawanin ko siya sa mga jokes ko. Kasi may nabanggit siyang mga bolero lang daw ang mga patawa. Minsan sinungaling pa raw at dinadaan lang sa jokes ang lahat para matago ang tunay na nararamdaman.


Gusto-gusto ko pa naman ang pagiging simple niya. Hindi naman ako na-offend sa sinabi niya, dahil tama naman lahat iyon.


Joker


Dear Joker,


Kung pangalan mo talaga ay Joker,  mag-iba ka ng itatawag sa iyo, kung seseryosohin mo siya. Joke lang! Ang maipapayo ko, just be yourself. Huwag mong pilitin na maging seryoso kung hindi ka naman talaga ganoon.


Kahit corny, ok lang. Mas mahirap ang magpanggap na hindi mo naman nakasanayan.


Patunayan mo sa kanya na mali ang sinasabi niya. Mas mainam magdala ng problema ang mga taong tulad mo, kaysa sa mga laging nakasimangot.


Be happy at stay nice as you are. Mas simple, mas maganda.


Dr. Love



(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 



<><>




Paano hahatiin ang puso



Dear Dr. Love,


Katulad ng iba, gusto ko ring humingi ng payosaiyotungkolsaakingproblemasapag-ibig. Tawaginmonalangakong Jorge, 39 anyos.

Hindi akomapaglarosapag-ibiggaya ng ibanglalaki. Hindi koakalainnadaratingangyugtosabuhaykonaiibigakosadalawangbabaenaparehokong true love.


Nang magbalikbayansiya. Nagbalik din angdamdaminnaminsaisa’tisa, walangmalayangmisiskotungkoldito.

Nasa America naulisiyapero may guilt feelings pa rinako.

Nagsisisiakosaakingnagawaperopatuloyakongsinusumbatan ng akingbudhi.

Anoanggagawinko?

Jorge

Dear Jorge,


Lahat ng tao ay nagkakamali. Pero kapagna-realize moito at pinagsisihan, move on with your life.

Kasabaynitoangpagputolsaanumangugnayanmosakanya. Dahilkungpatuloykayong nag-uusap ay nanatiliangkataksilanmosaiyongkawawangasawa.

Ilagaymo kaya angiyongkatayuansaasawa ng kalaguyomonanasaibangbansa, anoangmararamdamanmo kung ikawangpinagtaksilan?

Sabinga ng golden rule, “Huwagmonggawinsaibaangbagaynaayawmonggawinsaiyo.”

Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 



<><>



Hindi pala itinadhana 


Dr. Love,


Tawagin mo na lang akong Joanna, 25 anyos. Mula elementary ay best friend ko na si Nick. Siya lang ang gusto kong kalaro noon at wala ng iba pa.

Akala nga nila, ako ay tibo dahil lalaki ang gusto kong kalaro.

Nang tumuntong kami sa high school ay lalo kaming naging close ni Nick. Naghihingahan kami ng problema sa isa’t isa.

Hindi pa kami graduate ng high school ay niligawan na ako ni Nick at naging kami.

Magkasabay kaming nangangarap. Kukuha ako ng nursing at siya ay magdudoktor. Pero nang pagsapit namin ng third year, nakipag-break sa akin si Nick.

Nagkatagpo kasi siya ng babaeng mas mahal niya. Nasaktan ako siyempre pero inunawa ko siya. Masyado akong nasaktan pero sinikap kong mag-move on. I tried to keep our friendship na nagsimula sapul pa ng mga musmos kami.

Pero sa totoo lang, labis ang aking pagdaramdam lalo na sa tuwing magkasama sila ng kanyang girlfriend.

Ano ang gagawin ko?

Joanna

Dear Joanna,


Tama ang ginawa mo na kahit mabigat sa iyong dibdib, pinanatili mo ang friendship ninyo ng iyong matalik na kaibigan.

Ganyan talaga ang buhay kung minsan, walang katiyakan. May mga bagay na inaakala mong sa iyo na ay nawawala pa sa bandang huli.

Naniniwala ako na sa sandaling makatagpo ka ng ibang mamahalin, maghihilom din ang sugat sa puso mo.

Kaya tama ang pasya mong mag-move on. Hindi dapat tumigil sa pag-ikot ang daigdig dahil lamang sa isang masaklap na insidente.

Dr. Love



(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 




<><>




Nagdududa sa manliligaw 



Dear Dr. Love,


Sana ay datnan kayo ng liham ko na nasa maayos na kalagayan. Tawagin n’yo na lamang akong Rhena, 22anyos.

Masugid na nanliligaw sa akin si Ariel pero wala akong gusto sa kanya. Sa dalawa kong manliligaw, si Joe ang napupusuan ko at balak ko nang sagutin.



Si Joe ay kabarkada ni Ariel.

Ngunit isang araw, sinabi sa akin ni Ariel ang isang bagay na natuklasan niya kay Joe. Narinig niya sa mga katropa nila na pinagpupustahan nila na mapapasagot ako ni Ariel.


Hindi ako naniwala dahil baka sinisiraan lang siya ni Ariel dahil masugid itong karibal niya.

Isang araw, pinuntahan ako ng aking pinsang babae. Napadaan daw siya sa umpukan ng mga katropa ni Ariel na nag-iinuman.

Sabi raw ni Ariel, “malapit ko na siyang makuha, ihanda na ninyo ang tatlong libong piso dahil talo na kayo sa pustahan.

Pinipilit kong huwag maniwala. Baka naman iba ang pinag-uusapan nila.

Kaso may pagdududa sa isip ko. Paano kung totoo nga?

Balak ko na sanang sagutin si Ariel pero napigilan ako dahil sa magkatugmang sinabi ni Joe at ng pinsang ko. 

Ano ang maipapayo mo sa akin?

Rhena

Dear Rhena,


Malinaw na malinaw na ang umaakma ang sinabi ng isa mong manliligaw sa narinig ng iyong pinsan.

Hindi ka naman lolokohin ng sarili mong kaanak, kaya huwag mo dayain ang sarili. 

Huwag kang magpabulag sa iyong damdamin at harapin ang totoo.

Babae kang may dangal at huwag kang magpapaloko sa matamis na salita ng isang manliligaw na manloloko.

Napakagarapal na sa halagang tatlong libong piso ay paglalaruan nila ang isang babaeng tulad mo.

Kung ako sa’yo, huwag mo nang pag-aksayan ng iyong panahon ang lalaking gaya ni Ariel.

Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 




<><>




Crush ba ito o true love?



Dear Dr. Love,


Sa mga kamag-anak ko sa probinsya ako nagbakasyon. Mayroong isang poging binata roon na kinalolokohan ng maraming babae na tulad ko. Matangkad, guwapo at magaling mag-basketball.

Donnie ang kanyang pangalan at nang makita ko siya, nagka-crush agad ako sa kanya.



Sa mga katangiang iyan, sino ba naman ang hindi hahanga at mai-in love?  Sa tuwing may game siya, kasama ako lagi ng tropa para panoorin siya. Nagtitilian kami kapag naglalaro to the max.

Nagkaroon ako ng chance na makilala siya. Halos ‘di na ako makatulog nang makamayan ko siya. Balita ko walang hilig sa babae si Donnie at naka-focus lang sa pag-aral. Ngunit sa porma ay lalaking-lalaki naman siya. Nasa Manila na ako pero siya pa rin ang laman ng isip ko.


Ano ang dapat kong gawin para mapansin at ligawan niya ako?

Gretchen

Dear Gretchen,


Kung ikaw ang magpapakita ng motibo, malamang bu-maba ang tingin sa iyo ng sino mang lalaki. Iyan ang bagay na hindi dapat gawin ng sino mang babae.

Marahil seryoso lang sa pag-aaral si Donnie kaya hindi muna inaatupag ang panliligaw. Magandang mindset ‘yun, kaya ‘di siya dapat paghinalaang bakla.

Bata ka pa at gayundin si Donnie. Tama naman siya sa pagkakaroon ng magandang prayoridad. Kung kayo ay nakatadhana para sa isa’t isa, tiyak na sa bandang huli ay kayo ang magkakatuluyan. Kung hindi man, may nakalaang mas magandang kapalaran sa iyo ang Diyos.

Dr. Love


(Itutuloy)


Go to next page ...   OPEN 



<><>



Makulit na manliligaw


Dear Dr. Love,


Mayroong nanliligaw sa akin pero wala ako ni katiting na pagkakursunada sa kanya.

Binasted ko na siya ng ilang uli pero isang taon na siyang diga nang diga sa akin kapag ako ang tumatao sa aming tindahan.



Tawagin mo na lang akong Cory, 24 anyos at may boyfriend na ako na isang seaman.

Noong una kaming magkakilala, kaibigan lang ang turing sa kanya dahil mabait siya. Naging good friends kami at enjoy ako sa mga jokes niya.


Nagsimula ako maasar sa kanya nang ligawan na niya ako. Binasted ko na siya nang paulit-ulit, pero ayaw pa rin niya akong tantanan.

Sabi ko, manatili na lang kaming magkaibigan. At hanggang doon lang ‘yun, period!

Pero lumipas ang mga buwan, hindi niya talaga ako nilubayan. Pinrangka ko na siya at sinabihang wala siyang maaasahan sa akin.

Masyado na akong nakukulitan sa kanya at baka malaman pa ito ng boyfriend ko. Naku! Hindi malayong pag-awayan pa naman ito ‘pag nagkataon dahil  sobra siyang seloso.

Ano ang gagawin ko?

Cory

Dear Cory,


The best thing to do is to ignore him.

Huwag mong kibuin at kung mapilit siya sa pagporma sa iyo, kuwentuhan mo siya tungkol sa iyong seaman na boyfriend at kung gaano mo siya kamahal.

Ulit-ulitin mo ito hanggang siya na mismo ang susuko at hindi ka na gagambalaing muli. Ikuwento mo rin siya sa iyong boyfriend kung magkakausap sa iyo at kung gaano mo ito kinaiinisan.

Dr. Love



reaction:
author-img
CEO

Comments

google-playkhamsatmostaqltradent