recent
last jobs

14-anyos na estudyante, patay sa pananaksak sa Quezon City

Home

 





Patay ang isang 14-anyos na estudyante matapos pagtulungang saksakin ng mga kapwa niya menor de edad sa Quezon City.


Sa ulat ni James Agustin sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing tatlong saksak sa iba't ibang bahagi ng katawan ang tinamo ng biktimang kinilalang si Xian Ezekiel Pastores, isang Grade 8 student.


Naisugod pa sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay, ayon sa ulat.


Nangyari ang krimen sa compound ng isang supermarket sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City nitong Huwebes ng gabi.


Ayon sa isang saksi, nakalapit pa sa kanya ang biktima na bigla lamang sinaksak ng suspek mismo sa tabi niya.


Naisakay pa umano ang estudyante sa tricycle upang isugod sa ospital, ayon sa saksi.



Pahayag ng tatay ng biktima, nalaman lamang nila ang insidente nang pumunta sa kanilang bahay ang kaibigan ng kanyang anak.


Kwento ng tatay, hinawakan umano ang kanyang anak ng mga babae at sabay inudayan ng saksak ng suspek.

Naaresto ang sumaksak sa biktima na isang binatilyong 15-anyos. Dinala rin sa police station ang lima pa niyang mga kasamahan na edad 14 hanggang 16.


Sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, kasama ng biktima ang kanyang mga kaibigan galing sa eskwelahan nang biglang sumulpot ang grupo ng mga suspek at pinagtulungan ang biktima.


Hindi nakunan ng pahayag ang suspek dahil hindi pumayag ang kanyang mga magulang.


Ito-turn over ng mga pulis ang mga suspek na mga menor de edad sa Social Development Department ng Quezon City Police. —LBG, GMA News


reaction:
author-img
CEO

Comments

google-playkhamsatmostaqltradent